[naka-post 2 sa friendster..post co lan po d2..Ü]
Article on the Starstruck Kids finalists
While my sister was waiting for the bus to leave
the terminal, she saw an article from a tabloid
being read by a woman beside her. She then asked
the woman if she could borrow the page for a
while. The article was about the Starstruck kids
finalists, but what really caught her eyes were
Kurt's picture and the title that says, "Kurt,
umuungos na sa StarStruck Kids."
read on (verbatim copy of the article)...
Parami nang parami ang tumututok sa Starstruck
Kids dahil habang tumatagal ay nakikilala na
nang husto ang mga ito at parating napapansin si
Gabriel Angelo Roxas, 'yung cute na mataba at
sira ang mga ngipin sa itaas dahil mahilig daw
mam-bully.
Ito rin ang napansin namin nu'ng i-launch sila
ng GMA 7 dahil kaagad niyang inaway si Paul
Salas, bukod pa sa iba pang insidenteng nag-away
uli sila sa iba namang pagkakataon.
Ang maganda ay ini-ere ng programa ang mga
behind the scene na kinunan ni Direk Louie
Ignacio habang sinu-shoot ang MTV ng twelve
survivors.
Say ng kilalang MTV director na, "ngayon lang
ako nag-shoot ng MTV na tawa ako nang tawa."
Kasi naman ang kukulit at ang gaganda ng mga
bagets.
May mga 'pasaway' lang talaga na inabot ng take
5 hanggang 6 dahil mahinang kumuha ng
instructions mula sa director, mayroon namang
take 0ne lang dahil magaling at sumusunod kaagad
sa utos kaya naman puring-puri siya ng lahat ng
staff ng Starstruck Kids at maging ang ibang
staff ng GMA 7 ay gustong-gusto siya dahil
magalang at matalino, si Kurt Perez.
Ilang beses na nahuli ng kamera si Gabriel na
parating may kaaway, although parati naman
siyang humihingi ng 'sorry.' At ang latest
victim niya ay si Kurt Perez na inagaw ang papel
na pinagsulatan nito ng kantang kakantahin niya
para sa singing challenge nila under Ms. Isay
Alvarez.
Bumilib si Isay kay Kurt dahil maski na galing
ito sa pag-iyak ay tuloy pa rin itong kumakanta,
say nga ni Isay, "yan ang tunay na singer, maski
na may nangyari, hindi nagpaapekto."
Curious lang kami kay Gabriel, bakit mukhang
marami itong bitterness sa buhay, bakit hindi
siya pinagsasabihan ng staff ng Starstruck Kids
bigyan ng ultimatum na kapag may inaway ulit ay
may sapat na parusa itong matatanggap.
Dapat pagsabihan si Gabriel ng kanyang magulang
dahil malaking epekto ito sa kaniyang boto.
Malalaman sa ngayong Sabado, April 24 kung sino
sa 12 finalists ng Starstruck Kids ang muling
magba-babu at tatanggap ng premyo at Barbie Doll.
Naloloka lang kami dahil ang babata pa, may mga
love team na tulad nina Uno Guerta at Bea
Binene; JM Reyes at Sam Bumatay; Serge Septimo
at Sandy Talag; Miguel Tanfelix at Ella
Guevarra. At ang nakakatawang parte, kinikilig
ang mga bagets, as if knows naman nila ang ibig
sabihin ng loveteam! -Reggee Bonoan (Pilipino
Star Ngayon April 24, 2004)
**Kurt's mom was not aware of this article, and
probably the other finalists' parents too. Even
if it's only from a tabloid, i think it's good
enough to know that some people appreciate the
kids and write an article about them.